Ang kasuotang ito ay nagdala ng napakaraming usap-usapan kanina. Pagpasok ko pa lamang sa sasakyang sinasakyan ko araw-araw upang makarating sa paaralan, tinukso agad ako ng taga-maneho at ng kanyang kanang kamay. Tinukso rin ako ng napakaraming mga kaibigan ko sa aming tahanan sa San Beda. Pati mga guro at iba kong mga kamag-aral ay nakisali sa tuksuhan. Tinukso nila ako dahil maari daw akong papasukin sa SONA dahil sa aking kasuotan. Sa aming klase naman kasama si G. Abarquez, naihalintulad ang aking damit sa kasuotan ng mga sumasali sa Santacruzan. Tinawanan niya pa ako sa hindi malamang kadahilanan. Isa pa pala, kami ay kinuhanan ni G. Cordova ng litrato. Kami ni Dana ang magkasama nang kunan kami ng litrato. Ang barkada naman nina Carl ay kinuhanan din ng litrato habang sila'y naka kasuotang Muslim at mga mata lamang nila ang kita.
Pati ang aking kapatid ay nangailangan ng kasuotan. Muslim naman ang kanyang suot na damit.
Mga nakuha kong komentaryo:
"Wow.. Dalagang Pilipina talaga!"
"Nagbblend ka sa mga dahon!"
"Wow! Terno pa talaga pati pamaypay!"
"Hahahahahaha!"
"Oh yan ah.. Best costume na yan.. Basta special mention kami ah.."
"Mukha kang anahaw!"
"Namaaaan.. Mukha kang first lady!"
"Kumusta ang SONA?"
"Ok lang yan.. Mukha ka namang president eh.."
Noong oras naman ng aming pagtitipon sa organisasyong kinabibilangan ko, ang Mga Sundalo ni Maria, kami ay nagdasal ng Rosaryo at ng Catena. Tinatawanan ako ng mga lalaki sa kabilang parte ng bilog sa hindi na naman malamang kadahilanan. Tinukso na naman ako nina Benedic at Franklin ngunit hindi ko naman ito naintindihan. Tinukso rin ako habang nagsasalita tungkol sa kabutihang nagawa ko nung walang pasok, tungkol sa mensaheng naihatid sa akin ng isang awitin at isang pelikula, at tungkol sa paghihikayat ko sa iba na magsimba.
Dahil sa ako'y nahihirapan ng magpaliwanag gamit ang ating sariling wika, mas mabuti sigurong iwan ko naang kwentong ito dito. Masaya ako na nanalo ang aking nanay na si Early, tiyahin na si Jessica, at lola na si Cham sa iba't ibang paligsahan.
(Ang malungkot lamang na bahagi ay hindi ko SILA nakita bago ako nakauwi.. Ang isa ay hindi ko talaga nakita buong araw..)
No comments:
Post a Comment